0

DAVAO CITY - Pormal nang nanumpa bilang mga bagong mayor at vice mayor sa lungsod ng Davao ang dalawang mga anak ni President-elect Rodrigo Duterte.

Alas-9:00 ng umaga kanina nang manumpa bilang Davao City mayor si Inday Sarah Duterte-Carpio sa Regional Trial Court Branch 16 sa harap ni Judge Emmanuel Carpio.

Kasama ni Inday Sarah ang kanyang asawa na si Atty. Manases "Mans" Carpio at ang kanyang dalawang anak na sina "Sharky" at "Stingray" sa nasabing okasyon.
Noong 2013 ang huling mayoralty post ni Inday Sarah, bago pa man binigyang daan ang kanyang ama sa naturang posisyon.

Samantala, kasama rin ni Paolo Duterte ang kanyang pamilya nang siya naman ang nanumpa kaninang alas-10:00 ng umaga sa Regional Trial Court (RTC) Branch 7 sa harap ni kay Judge Rufino Feraris bilang vice mayor ng siyudad ng Davao.

Source: BBR 

Post a Comment

 
Top