0
Outgoing Secretary Ramon Paje, nagpaalam na sa mga kawani ng DENR
Nagpaalam na sa mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources o DENR si outgoing Secretary Ramon Paje.

Isinabay ng opisyal ang pamamaalam sa ahensiya kasabay ng ika-29 na anibersaryo ng DENR kung saan pinasalamatan niya ang mga kawani ng Kagawaran dahil sa mahusay na pagtatrabaho at pakikiisa sa kanyang programa sa loob ng anim na taon.

Nagkaroon din ng Thanksgiving mass at salo-salo sa pagitan ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya pati na ng mga bisita.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Paje, natapos ang Cadastral Survey Program ng pamahalaan at nakaagtanim ng 1.3 milyong ektarya ng mga puno noong December 2015 sa ilalim ng National Greening Program o NGP.

Aniya ang NGP ay inaasahang papaloob sa aabot 1.6 milyong ektaryang lupain sa pagtatapos ng 2016.
(Radyo Inquirer)

Source: Inquirer

Post a Comment

 
Top