Para kay reelected Manila Mayor Joseph Estrada, maaaring gusto lamang ni President-elect Rodrigo Duterte na magpatawa ng mga tao kaya siya sumipol o nag-wolf whistle sa nakalipas nitong press conference.
Yan ang naging sagot ni Estrada nang
matanong hinggil sa kontrobersyal na pagsipol ni Duterte sa ilang lady
reporters sa dalawang magkahiwalay na presscon nito, na umani naman ng
pambabatikos.
Sa panayam kay Estrada matapos ang
Independence Day celebration sa Rizal Park, binanggit ng dating Presidente ang
kasabihang “a day without laughter is a day wasted.”
Sa sitwasyon aniya ni Duterte,
posibleng nagpapatawa lamang siya para hindi raw ma-sayang ang araw.
Sa kabila nito, sinabi ni Estrada na
marapat na abangan na lamang ng lahat ang ipinangakong pagbabago ni Duterte sa
oras na maupo na siya sa Palasyo ng Malakanyang.
Maraming nakapansin ng ilang
pagkakapareho nina Duterte at Estrada, lalo na pagdating sa maanghang nilang
pahayag.
Subalit
ayon kay Mayor Erap, kung mayroon man parehas sila, ito’y ang kanilang
karanasan bilang alkalde.
Source: BBR
Source: BBR
Post a Comment