Kinontra ng Malacañang ang panawagang buwagin na umano ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa paniwalang mas pinapanigan ang mga kriminal kaysa mga biktima ng krimen.
Halimbawa daw dito ang mistulang pagkiling sa napatay na umano’y 'hold-upper rapist' sa halip na ipagtanggol ang dalawang bikitimang pasahero ng suspek.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang CHR ay itinatag na naayon sa batas at meron itong mandatong dapat gampanan partikular ang pag-iimbestiga sa lahat ng human rights violation gayundin ang paglabag sa civil at political rights ng mga mamamayan.
Ayon kay Coloma, komprehinsibo ang mandato at hindi nagtuturing ang komisyong naitatag noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Kaya dapat daw maghinay-hinay ang mga napakabilis na tumalon sa mga konklusyong hindi patas ang CHR at dapat na itong buwagin.
"Ano ba ‘yang CHR? Ang CHR ay Commission on Human Rights na itinatag na naayon sa batas at meron itong mandato na dapat gampanan para namang masyadong simple o casual ‘yung narinig ko sa inyong pananaw na kapag ang Commission on Human Rights sa ating bansa ay nagsabi niyan na kinakailangan pa ng pagsisiyasat, ay ang kagyat na tugon ay bubuwagin ito. Ano namang klaseng pananaw ‘yan?" ani Coloma.
Source: BBR
Source: BBR
Post a Comment