0


DAVAO CITY - Tumaas umano ang bilang ng mga estudyante na nagpa-enroll ngayong taon sa isang unibersidad na Digos City kung saan nag-aral noon si incoming President Rodrigo Duterte.



Ayon sa school administrator ng Cur Jesu College o mas nakilala noon na Holy Cross of Digos Academy, proud ang mga estudyante ng nasabing unibersidad dahil alma mater ito ng susunod na pangulo.

Napag-alaman din na hanggang ngayon ay sa naturang paaralan pa rin ang orihinal na transcript of records ni Digong.


Sinasabing nag-aaral sa nasabing kolehiyo ang alkalde noong taong 1963 kung saan doormate pa nito si incoming peace adviser Jesus Dureza.

Plano ng pamunuan ng kolehiyo na gawing museum ang multi-purpose building na ginawang dormitoryo noon ni Duterte nang nag-aral pa ito taong 1961 hanggang 1963.

Napag-alaman na nag-donate noong 2006 ng P100,000 ang alkalde para mapaayos ang ilang mga silid aralan.

Post a Comment

 
Top