Pormal nang tinanggap ni Ms. Gina Lopez, ang chairperson ng ABS-CBN Lingkod Bayan Foundation ang alok ni incoming President Rodrigo Duterte na pamunuan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Bilang anti-mining advocate, tututukan daw ni Lopez ang sektor ng pagmimina.
Handa umano niyang kausapin ang mga minero para maisaayos ang pagmimina sa buong bansa.
Maalalang kahapon araw ng Lunes ay nag-courtesy call si Lopez Presidential Guest House sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Panacan Depot sa Davao.
Kasama ni Ms. Lopez na dumating si Norie Garcia, Will Harper, Pat Varias at Jun Baclay kung saan nagsimula ang pulong bandang alas-5:23 ng hapon hanggang alas-6:15 ng gabi.
Kabilang sa mga adbokasiya ni Ms. Lopez ay ang masidhing pagtutol sa mining activities at coal-fired power plants.
Kabilang din siya sa nanguna sa kampanya laban sa coal mining sa Semirara Island sa Antique.
Kasama pa sa kanyang programa sa ilalim ng foundation ay ang clean up drive sa Pasig River.
Una nang lumutang na iniaalok din ni Duterte ang DENR post sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) tulad sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
May naitala ng cabinet official sa DOLE at DSWD.

Post a Comment