Inatasan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga tanggapan nito sa mga rehiyon na agad imbestigahan ang mga insidente ng posibleng enforced disappearance o extra-judicial killings sa kanilang nasasakupan. Ito'y sa harap ng dumaraming insidente ng mga napapatay na hinihinalang drug pusher simula noong Mayo.
Sa panayam ng DZMM, idiniin ni CHR chairperson Chito Gascon na mandato ng kanilang tanggapan na tiyaking walang pag-abuso sa kapangyarihan ang mga awtoridad gaya ng mga pulis. "Kung ang mga may awtoridad ay lumalabag na mismo ng karapatang pantao, siguro sa simula, mga salarin ang naaapektuhan nito.
Pero sino po ang makakapagpagtigil sa kanila kung hindi na po mga salarin -- mga inosente na po -- ang nilalabag ang mga karapatan," katwiran ni Gascon. Idinagdag niya na naiintindihan ng CHR ang pagnanais ng publiko na mapanagot ang mga lumalabag sa batas, ngunit anumang parusa ay dapat anyang naaayon sa batas.
"Nauunawaan naman natin na ang hangarin ng tao ay magkaroon ng hustisya na ang mga salarin ay makulong at mapigil pero dapat ginagawa natin ito lagi sa isang paraan na sang-ayon sa batas sapagkat kung ang mga tao ng batas ang magsho-shortcut ay mangyayari ang pang-aabuso," ani Gascon. Hinikayat ni Gascon ang publiko na makipagtulungan sa CHR at iulat ang anumang posibleng iregularidad sa mga operasyon ng mga awtoridad.
Watch Here:
Tanungin ang mga biktima ng criminalidad kung anong dapat para sa mga criminal. Kung hindi ka naman biktima o walang biktima sa kahit sino sa mga malalapit na kapamilya mo, eh di wag na magcomment na mali ang pagpatay sa mga criminal na di dumaan sa legal na paraan.epal.
ReplyDeleteTama si Chairman Gascon. O kahit si Etta Rosales. Subalit dapat ganoon din karubrob ang kanilang hangarin na pangalagaan din ang karapatan ng mga biktima at ang mga nagpapatupad ng batas. Sa sandaling lumabag sa batas ang isang tao, iwinawaksi nya ang kanyang karapatang mabuhay ng tahimik, sapagkat ang kanyang kasalanan ay nagdulot ng pighati at kaguluhan sa iba. My rights end when the rights of others begin. Be fair and square.
ReplyDelete