Ngayong nakababa
na sa puwesto si former President Noynoy Aquino, inakusahan siya ng dating gobernador ng Laguna ng mga katiwalian at pakikipagsabwatan
diumano sa COMELEC upang matanggal siya sa puwesto. Nanawagan din siya ng recall
election sa kanilang probinsiya.
Photo Credits: www.pep.ph |
Isang mahabang post sa Facebook
ang ibinahagi ng dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercitokaninang
madaling araw ng Sabado, July 2.
Sa naturang post, nanawagan si Ejercito na
dapat daw ay managot ang dating pangulo na si Noynoy Aquino sa naging kasalanan
nito sa bayan.
Panimula ng
actor-turned-politician, “IPAKULONG NA SI NOYNOY AQUINO SA LALONG MADALING
PANAHON DAHIL SA PALPAK NA PAMAMAHALA NIYA SA BANSANG PILIPINAS AT SA MGA
KASALANAN NIYA SA TAONG BAYAN GAYA NG KASO NIYA SA DAP, PDAF, EDCA, MRT,
MALAMPAYA FUNDS, LAGUNA LAKE REHAB, MAMASAPANO SAF 44 AT IBA PANG KASO.
“KAGAYA NI CHIEF JUSTICE RENATO CORONA AT
GENERAL ANGELO REYES, AKO DIN PO AY ISA SA MGA KAWAWANG BIKTIMA NG SELECTIVE
INJUSTICE NG VINDICTIVE AT INCOMPETENT NA PRESIDENTE NOYNOY AQUINO—DAHIL SA
MAHIGIT ISANG LIBONG OPISYAL NA MAY KASONG OVERSPENDING—AKO LAMANG PO ANG
NAG-IISANG HALAL NA OPISYAL NA TINANGGAL SA POSISYON SAMANTALANG ANG IBANG
OPISYAL AY PINAGBAYAD LAMANG NG CASH FINE AS PENALTY.”
Matatandaang noong February
2015 ay inilabas ng Supreme Court ang pinal na desisyon nito tungkol sa
diskwalipikasyon ni Ejercito bilang governor ng Laguna.
Noong May 2013 election, may
1,525,522 registered voters ang naturang probinsiya. Dahil dito, 4.5 million
pesos lamang ang dapat sana'y gastos niya sa pangangampanya.
Subalit ang TV advertisements
pa lamang niya noon ay umabot na sa 6 million pesos.
Bahagi rin ng kanyang post ang
tungkol sa diumano’y sabwatan ng dating pangulo at ng isang komisyoner ng
COMELEC.
Dito ay isiniwalat niya ang
diumano’y 'Oplan: Asiong.'
Aniya, “AT NOONG MAY 9 2016
ELECTIONS NAMAN AY INUTOS NI NOYNOY AQUINO KAY COMELEC COMMISSIONER CHRISTIAN
ROBERT LIM NA GULUHIN NA NAMAN AKO SA LAGUNA AT LITUHIN ANG MGA BOTANTE KO PARA
HINDI NA AKO MANALO AT HINDI NA AKO MAKABALIK SA PWESTO— AT PINAUPO NILA BILANG GOBERNADOR NG
LAGUNA ANG TUTA NG LIBERAL PARTY NA ISANG SUGAROL AT GARAPAL NA MAGNANAKAW NG
PERA NG PAMAHALAANG LALAWIGAN NG LAGUNA. DAHIL YON ANG KANILANG MASAMANG PLANO
SA ‘OPLAN ASIONG 2014 at 2016.’
“DALAWANG BESES NA PO BINASTOS
AT BINABOY NI NOYNOY AQUINO AT CHRISTIAN ROBERT LIM ANG BOTO NG MGA TAGA
LAGUNA—KAYAT HUSTISYA AT PATAS NA LABAN LAMANG ANG AKING
IPINAGDADASAL AT IPINAGLALABAN PARA SA MGA MALILIIT AT KAWAWANG BIKTIMA NI
NOYNOY AQUINO NA KAGAYA KO. IPAKULONG NA SI BENIGNO SIMEON 'NOYNOY' AQUINO
III!!!! –GOV. ER EJERCITO OF LAGUNA.”
Source: PEP.PH
Post a Comment