0
(Update) BUTUAN CITY - Pinapirma nang oath of undertaking ang umaabot sa 200 mga pinaghihinalaang drug pushers na boluntaryong sumuko sa tanggapan ng pulisya sa bayan ng Rosario, lalawigan ng Agusan del Sur.

Ang naturang pangyayari ay habang nalalapit na ang panunumpa ni President-elect Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PO3 Rosa Dasmariñas, resulta ito sa kanilang pinag-ibayong programa na Oplan Toktok Hangyo (Oplan Tokhang) kung saan kanilang kinukumbinsi ang mga sangkot sa illegal drugs operations na iwanan na ang nasabing modus.
Nagsasagawa umano sila ng house-to-house visitation sa mga indibidwal base sa kanilang surveillance o monitoring na sangkot sa operasyon ng bawal na gamot.

Dagdag pa ng opisyal, posibleng natakot din ang mga ito sa sunod-sunod na pamamaril-patay sa mga taong sangkot sa operasyon sa droga.

Ang naturang oath of undertaking ay nagsisilbing kasunduan na hindi na babalik pa sa kanilang nakasanayan ng gawin ang mga sumuko upang maiwasang makasuhan.

Sa pagsurender umano ng naturang mga drug personalities ay nakunan pa sila ng mga impormasyon kasama na rito ang taong nagkumbinsi sa kanila upang magbenta at kung saan galing ang mga ibinebenta nilang droga.

Post a Comment

 
Top