JOLO, Sulu - Inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na naikonsidera rin niyang magdeklara ng Martial Law sa Sulu.
Sinabi ni Pangulong
Aquino, nasa tatlong linggo na ang nakalilipas ay sumagi sa kanyang isip na
magdeklara ng Martial Law sa nasabing lugar upang mas mapabilis sana ang
pagligtas sa mga natitira pang bihag ng Abu Sayyaf matapos pugutan ng ulo noon
si John Ridsdel.
Pero ayon sa chief executive, nagdalawang-isip siya kung makakabuti ang batas militar sa sitwasyon at wala ring garantiyang makakatulong nga ito sa paglutas ng problema sa Abu Sayyaf.
Isa rin daw sa dahilan
kung bakit hindi nito itinuloy ang plano ay pangamba sa posibleng makakuha pa
ng simpatiya ang teroristang grupo at mag-alsa ang mga residente ng Sulu.
Ang limited Martial Law ay isinusulong ngayon sa Duterte administration para madurog ang puwersa ng Abu Sayyaf sa rehiyon.
Source: BBR
Post a Comment